Pano Nakakaapekto Sa Isang Bata Ang Pambubulas
Pano nakakaapekto sa isang bata ang pambubulas
Hindi biro ang pambubulas sa bata. Nababago nito ang buhay niya at minsan pa nga ay nangangahulugan ng buhay niya. Alamin natin ang ilan sa mga epekto nito sa bata.
1. Ang bata na binubulas ay maaaring magkaroon ng takot na pumasok sa eskwelahan. Kailangan mo tuloy ilipat siya ng ibang school. Pero ang nakakalungkot, may ilan na tuluyan ng ayaw pumasok. Naghihintay ng 1 o 2 taon pa para magkaroon ulit siya ng lakas ng loob na pumasok.
2. Nananakawan siya ng gamit. Kaya ang iba, naglalagay sila ng pangalan. O di kaya naman ay hindi na sila nagdadala sa paaralan ng mamamahaling gamit.
3. Hindi siya nakakakain dahil laging nakukuha ang kaniyang baon. Ibibigay na lang niya kaysa bulasin siya.
4. Ang ilan ay mayroong nagtatagal na sakit ng tiyan, ulo o nahihilo dala ng matinding stress.
5. Nagiging malulungkutin siya at ayaw nilang makihalubilo sa iba.
6. Ang ilan ay nagpapakamatay.
Alinman sa nabanggit ay ayaw mong maranasan ng isang bata. Kasi sila ay dapat na nag-iimbak ng magagandang memorya na babaunin niya sa paglaki. Maraming mga magulang ang humahanap ng paaralan na makakapag-maintain ng kanilang polisiya sa pambubulas. Kung kapit-bahay naman ang problema, ang mga magulang ay dapat na pinag-uusapan ang ganitong problema yamang parehong apektado ang binubulas at bumubulas.
Comments
Post a Comment