Sino Ang Gusto Mong Tauhan Sa El Filibusterismo At Bakit?

Sino ang gusto mong tauhan sa El Filibusterismo at bakit?

El Filibusterismo:

Tauhan:

Ang gusto kong tauhan sa nobelang ito ay si Huli sapagkat siya ay larawan ng mga kababaihan na mapagmahal, mabait, at maalalahanin. Bilang kasintahan ni Basilio, siya ay isang mapagmahal at handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal. Naging mabuti rin siyang anak para kay kabesang Tales. Handa siyang manilbihan upang matustusan lamang ang pantubos sa ama sa takot na baka may mangyari ditong masama. Labis din ang kanyang pag aalala para sa lolong si tandang Selo na dinakip ng mga sibil matapos na hindi matagpuan sa kanilang tahanan ang ama na si tandang Selo.

Ang mga karanasan ni Huli ay siguradong magpapaluha sa mga mambabasa ng nobelang ito. Tulad din ng maraming kabataan, si Huli ay nagnais na makapagtapos ng pag - aaral hindi lamang upang mapantayan ang kasintahang si Basilio ngunit upang maitaguyod na rin ang kanyang pamilya. Totoong hindi naging madali para sa kanya ang huminto sa pag aaral at manilbihan sa matandang si Hermana Penchang sapagkat mayroon siyang mga pangarap. Bukod dito, ang pananamantala ni Padre Camorra sa kanyang kagipitan ay sadyang nakapangingilabot. Kaya naman mas pinili na lamang niya na masawi kaysa ibigay ang kanyang puri sa pari na naghahangad na siya ay maisahan.

Read more on

brainly.ph/question/2115931

brainly.ph/question/2094605

brainly.ph/question/2115863


Comments

Popular posts from this blog

Ano Ang Isang Batas Na Ginawa Ng Pamahalaan Para Gawaran Ng Paglabag Ang Mga Prodyuser Na Labis Na Nagpapataw Ng Mataas Na Presyo

Ano Ang Mars At Gano Kalayo Ang Mars Sa Earth

Paano Ipinakilala Ng Kapaitan Ng Bapor Anv Kaniyang Pagkagiliw Sa Lugar Na Iyo